A Grain of Law l Anti-Dummy Law
 
Ang Anti-dummy law (Commonwealth Act No. 108) ay batas na naglalayong parusahan ang mga hindi Filipino national na lumalabag sa foreign equity restrictions at umiiwas sa nationalization laws ng Pilipinas. May mga batas na nagbabawal sa dayuhan na maki-isa sa mga aktibidad pang negosyo o maging sa pagiging empleyado sa ating bansa, isang halimbawa dito ang binabangit sa ating konstitusyon na may mga businesses or economic activities na dapat ay pang 100% Filipino lamang.
 
Madalas ay ginagamit ang mga pangalan ng Pilipino upang maging dummy o proxy ng business upang maitago na ang tunay na nagbebenefit, nag-mamanage o maging may-ari nito ay dayuhan ito ay upang magawa ang mga bagay na hindi naman pinapahintulutan ng mga batas sa ating bansa para sa dayuhan. Ang anti-dummy law ay nagbibigay parusa mula lima (5) hangang labing limang (15) taong pagkakakulong sa mapapatunayang lumabag sa batas na ito.